LGUs, Manila Water nagsanib pwersa laban sa nakawan ng water meter

NAGSANIB PWERSA ang Manila Water at ang mga local na pamayanan sa silangang bahagi ng konsesyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System upang paigtingin ang kampanya laban sa mga nangyayaring nakawan ng mga metro ng tubig.

Ang nasabing konsesyunaryo at ang mga lider ng barangay ay nananawagan sa mga residente na maging mas mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang aktibidad at agad ipaalam sa pulisya o sa mga komite ng kapayapaan at kaayusan ng mga barangay.

Kamakailan lang, isang lalaki mula sa Barangay Caniogan sa lungsod ng Pasig ang nadakip dahil sa umano’y pagnanakaw ng siyam na metro ng tubig sa kanyang sariling komunidad. Nauna rito, may mga katulad na reklamo na ring naitala sa iba pang distritong sakop ng konsesyunaryo ng Manila Water.

Base sa nakasaad sa Section 8 ng Republic Act 8041, o tinatawag ding “National Water Act of 1995”, ang mga mahuhuling nagnanakaw at gumagawa ng iba pang illegal na paggamit ng tubig ay maaaring makulong ng mula anim na buwan hanggang 12 taon batay sa nagawang pagkakasalat mapatawan ng karampatang multa.

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente na ipaalam sa mga barangay o sa Manila Water kung may mapapansin silang may kahina-hinalang kilos o may nalalaman silang pagnanakaw ng tubig sa kanilang lugar,” saad ni Rico Ramirez, pinuno ng Security Management ng Manila Water.

Ang mga lokal na komunidad naman, sa pamamagitan ng kanilang brigada sa barangay, ay pinalawig na rin ang kanilang mga pagpapatrulya upang magmasid laban sa posibleng pagnanakaw ng metro.

Naglagay ng meter protectors at bakod ang Manila Water upang mapigil ang nasabing nakawan. Maaari ring mag-ulat ang publiko ng anumang pagnanakaw ng metro, illegal na koneksyon o paggamit ng tubig sa Customer Care Hotline ng ManilaWater na 1627.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply