Libel decriminalization malabo na – Belmonte

AMINADO si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na kapos na sa panahon ang Kamara de Representantes upang maipasa ang mga nakabinbing panukala na naglalayong i-decriminalize ang libel.

Sinabi ni Belmonte na siya ring vice- chairman ng Liberal Party na hindi pa nakukunsulta ng liderato ang miyembro kaugnay sa stand ng mga ito sa naturang isyu.

Ipinaliwanasg nito na ang posisyon ni Pangulong Aquino kaugnay sa isyu ng pag-decriminalize ng libel ay hindi nangangahulugan na ito rin ang posisyon niya at ng miyembro ng  Kamara dahil dapat pa itong pag-usapan.

Naunang ipinahayag ni  Pangulong Aquino na hindi niya sinusuportahan ang decriminalization ng libel isang buwan matapos pirmahan ang Cybercrime Prevention Act na nagtatakda ng walong buwan na pagkakakulong para sa online libel.

Sa kasalukuyan ay mayroong anim na panukala kaugnay sa libel ang nakahain sa Kamara kabilang na ang bersyon ni Aurora Rep. Sonny Angara at House Bill 1009 ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply