Libelo, Section 19 sa Anti-Cybercrime Law, ibabasura

ISANG panukalang batas ang inihain nitong Lunes sa Senado upang amyendahan ang kontrobersiyal na Anti-Cybercrime Prevention Act partikular ang pagbabasura sa probisyon ng libelo at section 19 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Justice (DOJ) na ipasara ang alinmang site na sangkot sa krimen.

Sa Senate Bill 3295 na ipinanukala ni Sen. Loren Legarda partikular na pinare-repeal nito ang libel at takedown provision ng Cybercrime Law.

“In seeking repeal of the two clauses through Senate Bill 3295, I hope to eliminate the chilling effects that may impose undue boundaries on our people’s exercise of freedom of expression,’ ayon kay Legarda.

Samantala, binawi na si Senador Vicente “Tito” Sotto III ang inihaing panukalang batas na naglalayong alisin ang kasong libelo sa kontrobersiyal batas.

Sa privilege speech ni Sotto, iginiit nitong dumaan sa tamang proseso ang kasong libel sa Cybercrime Prevention Law at hindi siya ang nagsingit nito.

Giit ni Sotto, walang pagsisingit na nangyari dahil dumaan ito sa deliberasyon at botohan.

Sinabi pa ni Sotto na hindi rin ito ganti sa mga bumatikos sa kanya sa internet matapos akusahan ng pangongopya ng speech sa Reproductive Health Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply