Libing ni Direk Marilou Diaz-Abaya sa Sabado na

SA Sabado, Oktubre 13 na ihahatid sa kanyang huling himlayan ang multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya sa Loyola Memorial Park sa Paranaque City. Ito naging desisyon ng pamilay ng batikang direktor.

Sa kasalukuyan, ang labi ni Abaya ay nananatiling nasa lumang chapel ng Ateneo de Manila sa Katipunan Avenue, Quezon City at ang public viewing ay hanggang sa Biyenes pa Oktubre 12.

Patuloy naman na bumuhos ang mga tagasuporta ng multi-awarded director matapos mailipat ang burol mula sa Arlington Funeral Homes.

Si Marilou Diaz-Abaya ay binawian ng buhay sa edad 57-anyos habang nakaratay sa St. Lukes Medical Center sa Taguig dahil sa breast cancer.

Isa ang aktor na si Cesar Montano sa mga labis na nalungkot sa pagpanaw ng direktor na kanyang nakatrabaho sa award-winning films na “Jose Rizal,” “Bagong Buwan” at “Muro Ami.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply