Libu-libong MMDA personnel, ikakalat sa mga sementeryo sa Undas

IPAKAKALAT ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mahigit 3, 300 personnel sa iba’t ibang sementeryo at pangunahing kalsada sa Undas.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bukod sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, tutulong din ang mga personnel sa paglilinis sa mga sementeryo at kalsada.

Ang mga MMDA personnel ay ikakalat  bago at pagkatapos ng Undas.

Gagamitin din ng MMDA ang kanilang tatlong mobile CCTV upang mamonitor ang daloy ng trapiko gayundin ang seguridad sa loob at labas ng mga sementeryo

Makatutulong ng MMDA sa pagbibigay ng kaayusan ang pamunuan ng PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply