Libu-libong Muslim nagtipon-tipon sa Blue Mosque para sa Eid’l Adha

LIBO-LIBONG Muslim ang dumagsa upang magtipon at magdasal bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Tinatayang 3,000 Muslim ang dumayo sa Blue Mosque sa Taguig habang 1,000 naman ang nagsama sama sa Marikina Complex at Barangay Tumana sa Marikina City.

Ayon kay Hadji Jubael Kamlian, administrator ng Mosque sa Taguig, ang araw na ito ang isa sa dalawang pinakamalahalagang kapistahan sa mga Muslim.

Pagkatapos ng kanilang pagdarasal ay nag-alay naman ng kambing at baka ang mga may kayang Muslim para kanilang pagsaluhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply