Lider-katutubo niratrat, tigbak

ISANG lider-katutubo ng bayan ng Opol, lalawigan ng Misamis Oriental ang pinaslang kahapon ng hapon.

Binaril at namatay si Gilbert Paborado, tagapangulo ng Pangalasag, isang organisasyon ng mga katutubo na tumututol sa oil palm plantation sa kanilang bayan.

Ayon kay Jonah Cossma Jumagbas, alternate coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines, walong bala ang tumadtad sa katawan ni Paborado galing sa di pa nakikilalang mga salarin.

Si Paborado ay pinatay sa pinagkakanlungang bahay kung saan siya nagtatago dahil sa mga banta sa kanyang buhay.

Ang biktima ay kasapi rin ng grupong Kalumbay, isang sub-rehiyonal na alyansa ng mga katutubo sa Hilagang Mindanao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply