Lider ng Calambas Group, arestado

NADAKIP na ang leader ng Calambas Group na sinasabing sangkot sa carnapping sa Caloocan City at kalapit lugar.

Kinilala ang suspek na si Michael Calambas, 32, ng Phase 8, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2:15 ng hapon nang dakpin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang suspek sa tapat ng kanilang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Lilia Mercedes Encarnacion Gepty ng Valenzuela RTC Branch 75 sa kasong carnapping with homicide.

Ayon kay Chief Insp. Marlon Santos, hepe ng CIDG Camanava, si Calambas at hindi pa kilalang kasama ang humarang kay Gerardo Nepomuceno, 61 sa Balubaran Road, Malinta noong alas-12:30 ng madaling araw, Setyembre 6, 2011.

Binaril at napatay ang biktima bago tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ni Nepomuceno.

Nagtago si Calambas nang malaman na binabaan ng warrant of arrest hanggang matiyempuhan ng mga pulis kanina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply