Liderato ng Kamara iwas pusoy sa partylists issue

HANDS-OFF ang liderato ng Kamara sa partylist groups na tinanggalan ng accreditation ng Commission on Elections (COMELEC) para makalahok sa 2013 midterm polls.

Sa isang press conference, sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na nakausap na niya ang ilan sa mga kongresista ng partylist groups na inilaglag ng COMELEC.

Bagama’t nakikisimpatya siya sa paghihimutok ng partylist groups partikular ng mga incumbent partylists ay “final” na raw ang pasya ng COMELEC.

Payo ni Belmonte, kung ayaw isuko ng partylist groups ang kanilang pwesto sa Kamara maging ang kanilang karapatang makalahok sa halalan ay makabubuting dumulog na sa Korte Suprema bilang huling  baraha na maaaring mahingan ng saklolo.

Kabilang na sa mga partylist na kanselado na ang accreditation ay ang AKO Bicol, APEC at 1-CARE.

Kaugnay nito, sinabi ni Belmonte na naintindihan niya ang ‘piecemeal’ o paunti-unting paglalabas ng desisyon ng COMELEC sa kapalaran ng iba pang partylist groups.

Ani Belmonte, hindi madali para sa COMELEC ang kanilang trabaho lalo’t marami ang mga aplikante para sa partylist groups at iba pang kakandidato sa darating na botohan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply