Life vs rice hoarders, ipinanukala

PARA  matiyak ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino, isinulong ng ilang kongresista ang panukalang magpapataw ng habambuhay na pagkabilanggo sa mapatutunayang rice hoarders at profiteering.

Ang kailangan ayon kina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo Rodriguez, Jr., na ibilang na economic sabotage ang rice hoarding at profiteering.

Paliwanag ng magkapatid na Rodriguez na bahagi ng tungkulin ng gobyerno na masigurong sapat ang pagkain at maparusahan ang mga abusado at mapagsamantalang indibidwal lalo na tuwing may sakuna o kalamidad.

Sa ilalim ng HB 2733, ang rice hoarding at profiteering ay idedeklara bilang crime of economic sabotage na may parusang habangbuhay na pagkabilanggo at multang P100,000.

Sinabi ng mambabatas na ang bigas pa rin ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino na karamihan ay mahihirap.

Ngunit, sa kabila na may 14 milyong ektaryang lupa para sa sakahan ang Pilipinas ay kinakailangan pa rin mag-import ng bigas at kung minsan ay dumaranas ang bansa ng shortage sa bigas dala na rin sa pagtaas ng presyo ng krudo, pagbaha dahil sa climate change, at paggamit ng lupa para sa pabahay o gold courses.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply