Lim, Veloso maagang naghain ng CoCs

MAAGANG naghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sina Manila Mayor Alfredo Lim at ang running mate nitong si Councilor Lou Veloso.

Ipinaliwanag ni Lim na nagpasya siyang makasama si Veloso dahil ito ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa kanilang mga pinagpilian.

Naniniwala rin si Mayor Lim sa kakayanan ni Veloso na tinawag niyang silent worker.

Wala na rin umanong atrasan sa kanilang paghaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada at nasa kamay na ng publiko kung sino ang kanilang pipiliin.

Kaugnay nito, ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na plantsado na rin ang seguridad sa mga filing centers.

Ipinaalala ng Comelec na bawal sa loob ng filing center ang mga supporters ng mga kakandidato para hindi maantala ang proseso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply