Live-in dumadami, singil sa kasal ibababa

NABABAHALA ang Catholic Bishops Conference of the Philippine (CBCP) sa resulta ng survey na patuloy na dumadami ang bilang ng mga Pilipinong hindi nagpapakasal sa simbahan dahil sa laki ng gastos.

Sa survey ng Veritas Truth Survey, lumalabas na 51% ng mga respondents
na may sahod na P25,000 kada buwan o mas mataas pa rito ay sumailalim
sa church wedding.

Samantala, ang 47% na may kitang P5,000 pababa ay hindi ikinasal sa simbahan.

Lumalabas din sa survey na 50% ng kanilang pinagtanungan kung anong
uri ng kasal ang ginawa nila ay 7.5% sa mga ito ang ikinasal sa huwes.

Dahil dito, sinabi ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na dapat ikonsidera ng simbahang katoliko ang pagbaba ng mga bayarin sa mga gustong magpakasal para mas marami pa ang maengganyong magpakasal sa simbahan.

Sinabi ni Ilagan na dapat ikonsidera ng simbahan na babaan ang halaga ng bayarin sa pagpapakasal upang mapag-sama ng may basbas ang mga mag-asawa.

Sa kabila nito ay aminado si Ilagan na dahil sa economic issue kaya’t marami ang hindi nagpapakasal sa simbahan na kadalasan ang gastos ay humihigit pa sa P100,000

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply