Live interview sa mga kandidato sa pagka-associate justice di pinayagan

HINDI na isasapubliko  ng Judicial and Bar Council (JBC) ang gagawing panayam sa mga kandidato para sa pagiging associate justice ng Supreme Court.

Ayon sa JBC, napagkasunduan ng mga miyembro sa isinagawang pagpupulong noong nakaraang Oktubre 1 na huwag nang ipagpatuloy  ang live interview.

Gayunman, papayagan pa rin namang makapag-cover ang mga media.

Nabatid na magkakaroon ng panayam sa mga kandidato para sa pagpili ng magiging kapalit ng nabakanteng posisyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang associate justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply