Local milk industry sa bansa palalakasin

IMINUNGKAHI ngayon ng Department of Agriculture (DA) na tangkilikin ang lokal na produkto ng gatas at iba pang dairy products sa bansa.

Batay sa ginawang pagsusuri, napag-alamang pitong libong piso ang puwedeng maging benepisyo mula sa isang milk-producing animal tulad ng baka, habang ang isang pamilya na may alagang mga farm animals ay posibleng kumita ng P50,000 hanggang P70,000 kada buwan.

Iginiit ni National Dairy Authority (NDA) administrator Grace Cenas, sapat ang suplay ng mga baka para makapagprodyus ng eksaktong suplay ng gatas at iba pang dairy products.

Umaasa naman ang ahensya na mababawasan na ang paggamit ng mga consumer ng mga dairy product mula sa mga bansang New Zealand, Amerika, France at Australia.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply