Lola ginulpi ng batang dyowa, tigok

UMAGA na nang matuklasan na ng isang 29-anyos na lalaki na napatay pala niya ang kanyang ginulping 51-anyos na ka-live in partner nitong nakaraang Sabado, Oktubre 6, sa bayan ng San Andres, Catanduanes.

Nahimas-masan sa pagkalasing, sumuko naman agad sa pulisya kaninang umaga lamang (Oktubre 7) ang suspect na si Loiue dela Cruz residente ng Barangay Catagbacan sa bayan ng San Andres.

Isinailalim naman ng pulisya sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Petra Sacobo upang matiyak kung ang ikinamatay nito ay sanhi ng pambugbog ni Dela Cruz.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 10:30 nitong Sabado ng gabi sa mismong bahay ng magka-live in.

Ayon kay Senior Insp James Runataym, hepe ng Andres Municipal Police Station, parehong lango sa alak ang mag-ka-live in partner nang umuwi sa kanilang bahay.

Dahil kapwa wala sa wisyo sanhi ng sobrang kalasingan, nag-away ang dalawa na humantong sa pambubugbog ng suspect sa mas may edad na biktima.

Ayon kay Runataym, dahil sa tinamong kapansanan sa ulo at katawan ay nawalan ng malay ang biktima habang nakatulog naman sa sobrang pagod at kalasingan ang suspect.

Nang magising, nadiskubre ni Dela Cruz na walang buhay ang kanyang live-in partner kaya humingi ng tulong sa mga kapit-bahay ngunit hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply