Lola, pinatay ng apo na may diperensya sa pag-iisip

SAL LAKE CITY, Utah – Kasong aggravated murder ang ikinasa laban sa  isang lalaki sa estado ng Utah sa Amerika makaraang patayin nitoa ng kanyang sariling lola.

Ayon sa pulisya, naabutan pa nila ang suspek na si Zachary Cole Weston na hawak-hawak pa ang itak habang nakatayo sa wala nang buhay na katawan ng kanyang lola na si Joyce Dexter, 84-anyos.

Punong-puno ng dugo ang kamay at damit ni Weston nang sabihin sa awtoridad na ginilitan niya ng leeg ang kanyang lola, nilaslas ang puso at tiyan at saka tinanggalan pa ng internal organs.

Sinabi naman ng pamilya ng suspek na may diperensiya  sa pag-iisip ang 21-anyos na si Weston.

Noong 2010 ay ikinulong na rin ito dahil sa pananakit sa sariling ina at nanampal din ng dalawang kawani ng ospital habang ito ay sumailalim sa psychiatric treatment.

Noong nakaraang buwannaman ay sinuntok din ni Weston ang sariling ama.

Tumanggi naman si Salt Lake County District Attorney Sim Gill na idetalye ang motibo ni Weston sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang lola.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply