Lolo at lola tinadtad ng may sayad na kapitbahay

KAPWA hindi nagising sa kanilang mahimbing na pagkakatulog ang mag-asawa octogenarian nang pasukin sa kanilang silid at pagtatagain ng kanilang kapitbahay na may sayad sa Sorsogon.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dead on the spot si Crisanta Acuña, 85, habang patay naman nang idating sa pagamutan ang asawa na si Juan Acuña, 95 ng Brgy. Panganiban, Gubat, nasabing lalawigan.

Nabataid na bandang alas-11:00 kagabi nang bigla na lamang sinalakay  ng suspek na kinilalang si Eric Edeno ang bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagtataga ang mga ito.

Mabilis namang nadakip ng mga nagrespondeng awtoridad  ang suspek na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip at pansamantalang ikinulong sa Gubat Municipal Police Station.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply