Lolo, inabot ng kamatayan sa harap ng simbahan

PATAY na ng matagpuan ang isang 75 anyos na lolo sa underpass sa tapat ng Simbahan ng Quiapo kaninang madaling araw sa Quiapo, Maynila.

Inilarawan ni P/Sr., Insp. Joey De Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang biktima, palaboy sa underpass ng Quezon Blvd at nakilala lamang sa alyas na ‘Totoy’.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo,ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na nakahandusay sa malamig na semento sa underpass ng isang Florencia Aga, vendor na siyang agad na nagreport naman sa pulisya.

Sa pagsusuri, wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply