Lolo inumbag na, tinarakan pa, tigok

PATAY ang isang lolo matapos itong bugbugin at saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City  kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Sylvester Galipte,56, walang trabaho, tubong Samar at residente sa Lawang E # 134 Magsaysay St., Brgy. San Bartolome, Novaliches, QC.

Si Galipte ay nasawi dahil sa tinamong tama ng saksak sa dibdib at bugbog sa katawan.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong 2:45 kaninang madaling araw sa  Emilio Aguinaldo St. at Ortigas St. sa Brgy. San Bartolome .

Ayon sa testigong si Renato Samin, kapitbahay ng biktima, nakarinig siya ng mga nagtatalo sa labas ng  kanyang bahay kung kaya sinilip niya kung sino ang nag-aaway hanggang sa makita niya ang isang lalaki na nagmamadaling sumakay sa isang motorsiklo at lumayo sa  lugar.

Dito niya nakita ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar at may isang saksak sa dibdib at puro galos  at pasa sa katawan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply