Lolo na pangit sumayaw, nilaslas ang leeg, kinatay

ITO ang isa sa anggulong tinututukan ng awtoridad sa pagkamatay ng 53-anyos na lalaki sa Iloilo matapos tadtarin ng saksak at saka nilaslas ang leeg, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang madugong karahasan sa Brgy. Damiles, San Enrique, ng nabanggit na lalawigan na hinihinalang kagagawan ng isang fraternity mula sa kalapit na paarlan.

Kinilala ang biktima na si Antonio Mahilom, 53, Cebuano subalit pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Wala pang direktang suspek sa pagpatay sa biktima na hinihinalang tinambangan at itinapon sa isang fishpond.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na  wala namang naging kaaway ang biktima.

Huling nakita ang matanda na nakikipag-inuman sa isang videoke bar sa nabanggit na lugar.

Nabatid pa sa isinagawang follow-up investigation, inihayag ng may-ari ng videoke bar na may isang grupo ng mga estudyante na nairita sa ginawang pagkanta at pagsayaw ng biktima.

Kasalukuyang sinisiyasat ng mga pulis ang ilang grupo ng mga estudyante sa Passi City National High School na karatig lugar sa bayan ng San Enrique dahil kabilang ang mga ito sa isang fraternity o gang.

Nabatid na kabilang ito sa mga lead na sinusundan ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon sa pagpaslang sa biktima at pagkilala sa mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply