Lolo na pugante ng 42-taon, nakuwelyuhan sa QC

NASILO rin sa wakas ng awtoridad sa Quezon City ang isang pugante na tumakas sa kulungan sa Leyte noong 1970.

Sinabi ni Quezon City Police District director Chief Superintendent Mario dela Vega na nahuli nila ang suspect na si Jose Celedio, na ngayon ay 65 anyos na, sa kanyang bahay base sa tip na ibingay ng police informant.

Ang impormasyon aniya ng tipster ay sorbang kumpleto na mayroon pa itong mapa na tutuloy sa eksaktong lugar ng bahay ni Celedio sa Barangay Old Balara.

Ikinasa niya ng mga miyembro ng  QCPD’s Criminal Investigation and Detection Unit ang pagdakip kay Celedio nito lamang nakaraang Lunes ng hapon.

Sinabi naman ni QCPD-CIDU head Chief Inspector Rodel Marcelo na si Celedio, na may pneumonia, ay natutulog nang dumating ang mga pulis dakong alas  2 p.m. ng parehong araw.

Kasama ni Celedio sa kanyang bahay ang ka live-in-partner nito at 4 na anak.

Sinabi ni Marcelo na kumilos ang QCPD dahil sa kahilingan ng Leyte Regional Prison sa Abuyog town sa pagdakip sa pugante matapos ibuko ng isang informant ang lokasyon nito sa Quezon City.

Pumuga si Celedio sa Leyte prison noong 1982, matapos patayin ang isang prison guard.

Ang pugante ay nahatulan ng 29 taon ng pagkakakulong matapos noong 1978 sa 2 counts ng homicide sanhi ng pagpatay kina Manuel Magno at Perforio Diano.

Itinaggi naman ni Celedio, na ngayon ay nakaditine sa QCPD-CIDU detention cell na siya ang pumatay kina Magno at Diano.

Ayon kay Celedio, nag-iinuman silang tatlo sa isang tindahan sa Leyte nang magsaksakan sina Magno at Diano dahil sa pagtatalo sa isang kalabaw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply