Lolo na turista, nagpakamatay sa resort sa Pagudpud

PALAISIPAN pa rin sa mga taga-Pagudpud ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang lokal na turista habang naka-check-in sa isang resort sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ng PNP ang biktima na si Victorino Herenillo Jr, tubong Sampaguita, Brgy. Sta Ana, Taytay Rizal.

Si Herenillo ay apat na araw na umanong na-kacheck-in sa Polaris Beach Resort sa Brgy. Saud, Pagudpud at madalas na naglalakad mag-isa sa tabing dagat.

Nagulat ang caretaker ng isa pang resort sa Brgy. Caparispisan nang makarinig ng putok hanggang sa makita na nakahandusay na si Herenillo.

Isang cal. 38 na baril ang nakita malapit sa bangkay ng biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply