Lolo nahagip ng motor, sugatan; rider sugatan din

SUGATAN ang isang lolo nang mahagip nang humaharurot na motorsiklo habang nagdya-jogging sa Roxas Boulevard sa Maynila, Martes ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 60 hanggang 65 taong gulang.

Ayon sa rider na si Paul Rosales, na nasugatan din sa insidente, binabagtas niya ang kahabaan ng Roxas Blvd. at iniwasan ang papatawid na matanda ngunit nasapol pa rin ng kanyang motorsiklo.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan si Rosales nang mawalan ito ng balanse at tumumba ang sinasakyang motorsiklo.

Mabilis namang rumesponde ang mga volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) para bigyan ng paunang lunas ang dalawang sugatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply