Lorna T. ba ang ipapalit kay Grace Poe-Llamansarez bilang MTRCB Chair?

ITEM 1: Sobrang nagumon pala sa pagsusugal itong si Paolo Contis kung kaya hindi na ito halos nakapagbibigay ng kanyang sustento para sa dalawang anak sa kanyang dating live-in partner na si Lian Paz. Ito marahil ang dahilan kung bakit balik trabaho ang nasabing dating EB Babes dancer.

Actually, kahit pala maliliit na mga projects ay tinatanggap na ni Lian para may pangtustos sa dalawang anak nila ni Paolo. Kahit mga Stage Show or Fiesta sa probinsya ay pinapatulan ng nasabing EB Babes Dancer may maipambili lang ng gatas sa kanyang dalawang anak.

Ang itinuturing na dahilan at naging instrumento sa pagkagumon sa sugal nitong si Paolo ay ang Congressman ng Saranggani at boksingerong si Manny Paquiao.

Balitang madalas na kasama ni Manny itong si Paolo sa kanyang pagsusugal kaya pati trabaho ng aktor ay hindi na halos nito nahaharap at nitong huli, nababaon na yata ito sa utang kaya hindi na ito napagkikita sa mga lakad ni pambansang kamao.

Minsan raw ay sinubukan raw ni Paolong lumapit kay ninong Manny para makahiram sana ng dats pero hindi na nagawa ng alaga ni Manay Lolit Solis dahil sa hindi mahirap ngang makalapit sa mister ni Jinkee P. dahil bago mo ito makausap ay magdaraan ka muna sa butas ng karayom.

Sobrang dismayado raw talaga itong si Paolo dahil hindi na halos ito nabibigyan ng proyekto sa GMA7 dahil sa ginawa nitong kapabayaan sa kanyang mga trabaho.
 
ITEM 2: Natuloy na ang planong pagtakbo sa Senado ng itinalagang MTRCB ni President Pnoy na anak ng yumaong Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr. at Ms. Susan Roces na si Grace Poe Llamansarez.
Kaya naman automatic na nag-resign na sa nasabing ahensya (MTRCB) itong si Grace Poe at pansamantalang humalili sa kanya ang batikang director na si direk Maning Borlaza.

Actually, ayos na sana ang pansamantalang pamumuno ni direk Maning dahil sa karamihan na nire-review nilang pelikula sa MTRCB ay nirereject nila at ina-advice particular na itong mga Indie Producers na magre-shoot kung ang isang proyekto ay walang katorya-torya.

Balita naming kung hindi sinusunod ng mga Indie Producers ang suhestyon ng pamunuan ngayon sa MTRCB ay tuluyan na nilang itong ibinabasura at nire-reject kaya naman ang advice namin roon sa mga Indie Film Producers na kahit maliit na ang mga budget nila sa paggawa ng isang pelikula ay aayusin na muna nila ang kanilang mga script at pagandahin ang kanilang mga proyekto para maiwasan ang magkaproblema sa MTRCB.

Kunsabagay, tama lamang ang ginagawang paghihigpit na ito ni Direk Maning pero ano itong nababalitaan naming early next 2013 ay si Lorna Tolentino na raw yata ang ipapalit kay Madam at Senatorial Candidate na si Grace Poe Llamansarez bilang MTRCB Chair? Actually, ok na sana si Direk Maning Borlaza particular na sa mga indie film na halos hindi mo mahagilap ang tinatakbong istorya sa kanilang mga pelikula.

ITEM 3: Naka-move on na kaya ang talent-manager na si Boy Pilapil sa kanyang mga pinagdadaanang problema ngayon tungkol sa nangyayaring sigalot sa kanila ng mommy ni Noris John? Balita kasi namin ay hindi na ginagamit ni Papa Boy ang Indie Production kung saan kapartner niya ang pamilya ng alaga niyang sexy-aktor na si Noris John.

Kamakailan lamang nagtext sa amin ang mabait na indie producer at tuluyan na raw niyang tinuldukan ang pakikipagmabutihan sa mga parents ng kanyang alaga at kasunod nito, tuwang-tuwa niyang ibinalita sa aming ngayong October 31, 2012, araw ng miyerkules, ipalalabas na ang kanyang pelikulang Patol na pinagbibidahan ni Jean Andrews at ng dalawang sexy-actor na sina Glen De Luna at Brad Llaorente na ayon pa kay Papa Boy ay umaatikabong sex at laplapan raw ang nasabing pelikula kaya sobrang masisiyahan raw ang mga kapatid nating baklush dahil sa parehong nagpakita rito ng nota ang dalawang sexy-actor na sina Brad at Glen De Luna.

May laplapan rito sina Glen De Luna, Jean Andrews at Brad Llaorente. Threesome kumbaga na ayon kay Jean An- drews ng huli naming makausap. Dinirek nga pala ito ng kaibigan naming si Jigs Recto.
‘Yun Lang! Effect na ba ‘yun, Boy Pilapil?

ITEM4: Proud Mother pala ang kaibigan naming dating sex-symbol na si Myra Manibog sa kanyang daughter na Singer-Composer na si Alekzandra Nicole.

Ayon kay Myra, bata palang raw ang kanyang anak ay hilig na raw nito ang pagkanta at hindi nito nakahiligan  magpa-sexy sa pelikula.

Myra’s daughter is into composing song in the tradition of the globally fam Shakira at J-Lo.

Seductive popstar ang beauty ni Alekzandra sa kanyang mga show at ito marahil ang dahilan kung bakit mabiling-mabili ito ngayon sa Casino Filipino. For more details and bookings roon sa mga gustong i-avail ang services ng daughter ni Ms. Myra, please call 09159378481.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply