Lovi Poe wala raw relasyon kay Jake Cuenca? Charing!

IPINAGTAPAT ni Lovi Poe sa press people na naka-ambush interview sa kanya habang nasa elevator ng Luxent Hotel sa Timog Ave., QC, na kagagaling sa presscon ng “Titik: The Aswang Chronicles” na wala talaga silang relasyon ni Jake Cuenca at talagang hindi ito nanligaw sa kanya. (Etching! – Ed)

Ani Lovi: “Maaaring sinasabi ng iba na madalas kaming magkita. Iyon ay dahil iisang compound ang tinutuluyan naming dalawa. May sariling bahay siya roon at ako rin ay mayroon rin. Pero ngayon ay lilipat na ako sa bago kong bahay sa The Forth.”

Hindi mamatay-matay ang issue sa kanila ni Jake buhat nang magkasama sila sa Regal movie na “My Neighbor’s Wife” na lumabas silang illicit lovers. Kasama naman sa pelikulang ito na nagbigay kay Lovi ng best supporting actress sa katatapos na FAMAS Awards sina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Sa Tiktik: The Aswang Chronicles naman ay si Dingdong Dantes ang kapartner ni Lovi. Kahit aswang movie ito, hindi naman aswang ang kanyang role, bagkus, siya ang inaaswang ni LJ Reyes dito dahil siya’y buntis.

Naiiba ang Tiktik movie na ito nina Dingdong at Lovi na ipalalabas na sa October 17 dahil first local produced horror-fantasy movie ito na kinunan na ang background lang ay green color sa isang warehouse set. Dito lahat nangyari ang mga eksena na akala mo’y pumunta sa isang magubat at malawak na lugar. Ganitong set rin ang ginamit sa hit movies na Avatar at 300.

More than a year in the making ang pelikula. Mahirap kasing gumawa ng iba’t ibang background sceneries na kinailangang maghire ng 30 to 40 artists na siyang gagawa ng iba’t ibang sceneries.

Intended ang pelikula para sa international release na ayon sa producers na sina Dondon Monteverde, Dingdong Dantes at Ms. Annette Gozon ay gumastos ng mahigit sa P80 million.

000

PAPASOK na rin ang character ni Bea Binene sa Pepito Manaloto simula ngayong Sunday bilang kaibigang babae ni Jake Vargas na lumalabas bilang si Chito, ang first born nina Pepito (Michael V) at Elsa (Manilyn Reynes). Sa simula ay guest role si Bea, pero regular rin siyang mapanonood sa mga susunod na episodes.

Ang pagsasama nina Bea at Jake sa Pepito Manaloto ay simula na naman ng muling tambalan nilang dalawa na naudlot nang di makasama si Jake sa soap na Luna Blanca. May bagong soap sina Bea at Jake na sisimulan na, ang “Angeline de Cielo” na isang morning soap ng GMA 7.

Samantala, aabangan ngayong Sunday sa Pepito Manalito ang mga sumusunod na pangyayari: Tila bumaliktad ang mundo nina Pepito (Michael V) at Elsa (Manilyn Reynes) nang nagpakilala ang mag-asawa na Letty at Ronald Hizon na sila raw ang tunay na magulang ni Chito (Jake Vargas).

Natural, hindi ito matanggap nina Elsa at Pepito. Tila isang “live” telenovela ang mapanonood ng mga kasambahay nila sa mansion ng mga Manaloto.

Mas mayaman ang mag-asawang Hizon at hindi pera ang hinihingi nila. Ano ang pinanghahawakan nila? Papayag ba si Elsa na magpa-DNA test ang kanyang unico hijo? Bakit si Chito, parang naniniwala sa mga “bagong” magulang niya? At kung positive ngang “Hizon” at hindi “Manaloto” si Chito, sa wakas, mapupunta na nga ba kay Clarissa (Angel Satsumi) ang mas malaking kuwarto ng kuya niya?

Makisawsaw sa bagong kaguluhang hinaharap ng pamilyang biglang-yaman ngayong Linggo sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng Imbestigador sa GMA 7.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply