LP hindi magsasayang ng pondo sa kampanya

HINDI magsasayang ng pondo ang Liberal Party (LP) para sa pangangampanya para sa mga kandidatong  tumatakbo  sa 2013 midterm election.

Ito ang kinumpIrma ni Aurora Rep. Sonny Angara sa isang pulong balitaan sa Kamara dahil sa simula pa lamang ay sinabihan na silang magtitipid.

Pipiliin na lamang aniya ang mga lugar na dapat pagdausan ng rally at gagamitin aniya ang social networking o mass media na subok ng mga epektibong paraan sa pangangampanya.

Kasabay nito ay nanawagan si Angara na huwag makuntento ang mga botante sa apelyido lamang ng mga tumatakbong kandidato lalo na iyong mga nagmula sa prominenteng pamilya.

Mahalaga aniya na pagbasehan ng mga botante ang kakayahan at mga track records ng sinumang kandidato.

Bukod sa kilatising mabuti ang records ng mga kandidato ay tiniyak nitong hindi tatayo ang LP candidates sa popularidad ng mga kamag-anak sa pulitika kundi maninindigan sila sa sarili nilang merito.

Wala rin aniyang puwang na sakyan ng mga kandidato ang dynasty na sinimulan ng mga kapamilya o kamag-anak ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply