LPA naging bagyo na, Luzon uulanin

GANAP ng naging bagyo ang low-pressure area na tinutukan ng weather forecasters sa kanlurang bahagi ng Luzon na magdudulot ng mga pag-ulan sa bahagi ng Luzon.

Ang nasabing sama ng panahon ay tinatayang nasa layong 550 km sa silangan ng Northern Luzon, taglay ang pinakamalakas na hangin sa bilis na  55 kph malapit sa gitna at inaasahang manatili itong hindi gumagalaw.

Batay sa isinagawang pagtaya mula sa  US Joint Typhoon Warning Center (JTWC), Japan Meteorological Agency (JMA) at Weather Central, ang nasabing sama ng panahon ay malabo pa pumasok sa teritoryo ng bansa o  Philippine Area of Responsibility (PAR).

Magkagayunman sakaling kumilos, aniya, ng dahan dahan ang bagyo pa timog, malaki ang posibilidad na makapasok ito sa kanlurang gilid ng PAR  at papangalanan itong ‘Marce’, ika 13th na bagyong pumasok sa bansa ngayong taon.

Samantala,  sinabi ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez, na ” the cyclone, with international codename Gaemi, could not yet be codenamed Marce because it is not yet inside the PAR.”

“Asahan sa susunod 12 hours hindi kikilos. Ang kilos nito northwest, papalayo sa atin, pero hindi pa rin pwede i-discount na pwede dumikit at sumilip nang kaunti,  ayon kay  Enriquez.

Ayon pa kay Enriquez , asahan  ang mga pag-uulan sa bahagi ng Luzon at Northern Visayas dahil ang lapad ng ikot ng bagyo ay maaring umabot sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon, dahil pag-iibayuhin nito ang hanging habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply