LPA, namataan ng PAGASA sa Kanlurang Luzon

NAMATAAN na naman ang isang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa layong 620 km Kanluran ng Luzon.

Bunga nito, ang Metro Manila ay makakaranas ng paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Makararanas din ng pagulan ang gitnang Luzon, rehiyon ng Ilocos at ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Samantala, magiging bahagyang maulap na may dagliang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang nalalabing bahagi ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply