LPA sa Mindanao, bagyo na

GANAP nang mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ito ang iniulat makaraan ang ilang development sa nakalipas na 24 oras.

Ang nasabing bagyo ay may lakas na mahigit 50 kilometro kada oras ngunit hindi pa gaanong organisado ang takbo ng hangin.

Samantala, para naman sa Pagasa, itinuturing pa rin nila itong low pressure at wala pang magiging direktang epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Kung sakaling magiging bagong bagyo ay tatawagin itong tropical depression Ofel na magiging ika-15 sama ng panahon ngayong 2012.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply