LTFRB: Walang fare increase ngayong taon

MAGANDANG balita para sa lahat ng mananakay matapos ianunsiyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board na walang magaganap na paggalaw sa halaga ng pamasahe hanggang matapos ang taong 2012.

Ito ang kinumpirma ni LTFRB Chairman Jaime Jacob at sinigurong wala muna silang papaborang petisyon para sa fare increase hanggang Disyembre .

“Hindi ko nakikita ‘yung possibility na within the year magkakaroon kami ng desisyon kung iga-grant o hindi [‘yung fare hike increase petition], ani ” Jacob.

“Sa tingin ko po dapat masaya ang Pasko natin.”

Ani Jacob, napaganda ngayong panahon ang ikinasang big time rollback sa halaga ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa gitna ng inaasahang hirap na daranasin ng mga mananakay at motorista na magbabakasyon sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong paggunita sa Undas.

Ito, aniya, ang unang pagkakataon muling magkasa ng bigtime roillback ang mga kumpanya ng langis magmula noong 2009.

Batay sa ginawang pagsasaliksik, kadalasan, aniya, ngayong panahon nagpapatupad ng pagtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis kahit na nanalasa noon mga panahong iyon (2009) ang mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Kagulat-gulat, aniya, ang ginawa ng Petron at Shell nang tapyasan nila ng halagang P2.15 kada litro ang kanilang premium at unleaded gasoline; P1.70 kada litro sa  regular gasoline; P1.35 sa diesel; at P1.35 sa  kerosene noong lunes bandang alas 12:01 ng umaga .

Sumunod na rin dito ang iba pang kumpanya na kinabibilangan  ng Phoenix Petroleum at Seaoil  at Eastern Petroleum.

Gasyunman, sa kanila ng malaking roillback, hindi pa rin makapagsaya ang mga drivers at operators ng mga sasakyan dahil mahal pa rin umano ang presyo ng mga spare parts at supplies gayundin ang pang-araw araw na boundary.

Taliwas naman ito sa paniniwala ng Transport group Pasang Masda dahil pansamantala lamang ang nasabing rollback.

“Maaaring after this All Saints Day o All Souls Day biglang tumaas nang doble ang presyo nitong petrolyo. Sana wag sapagkat ito ay magiging pabigat na naman sa amin,”ani  Obet Martin, Pasang Masda, national president.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply