LTO: Hangad na maging mabilis ang paglalabas ng license plates

BAGO matapos ang taon, gusto ng Land Transportation Office o LTO na maging normal at maayos na ang kanilang pag-re-release sa mga vehicle license plates, lalo na para sa mga new car buyers.

Matatandaang matagal nang reklamo ng mga motorista sa ahensya ang mabagal at matagal na proseso ukol sa paglalabas ng mga bagong plate number.

Kaya naman sinabi ni LTO Chief Virginia Torres sa katatapos lang na USAPAN AAP forum na nagimbita ang Department of Transportation and Communications ng iba’t-ibang kumpanya noong second quarter ng 2012 upang gumawa ng mga bagong license plates, ngunit nagkaroon ito ng problema nang hindi ito pumasa sa standards na ibinigay ng Department of Science and Technology.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ang LTO ng mga samples at maaprubahan na ng DOST. Nais din nilang maglabas ng apat na libong license plate araw-araw para sa mga bagong car owners.

Kaya naman panawagan rin ni Torres sa mga local traffic enforcers na hinay hinay sa pagsita sa mga motorista na wala pang license plates at tanggapin muna bilang patunay ang hawak na official receipt at certificate of registration ng isang motorista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply