LTO Navotas takot sa tsunami at SSS Bacoor palpak

MISYON AKSYON, sana po matalakay po ninyo ang ukol sa hepe ng LTO Navotas. Napakalakas ng loob na sabihing hindi safe ang tanggapan niya at dahilan niya ito upang ipalipat ang tanggapan ng LTO Navotas sa ligtas na lugar. Hindi safe ang lugar dahil posibleng salakayin ito ng tsunami dahil ito ay nasa baybayin ng North Manila Bay.

Sa kanyang nakikita at pananaw, maaaring ikapahamak ng kanyang mga kasamahan, ikasira ng mga pampublikong dokumento na kanilang inirerehistro at ikapahamak ng publiko ang kanilang lugar. Una, laging binabaha at napakabaho, at dahil nasa loob ng  fishport, tambakan din ng mga basura kaya kung maaari ay ilipat ito sa ligtas na lugar.

Higit sa lahat na nakatatawag ng pansin, Misyon Aksyon, makaraang may mag-OJT, sina Lorna, Aida at Fe, ay agad-agad na kinuha dahil sa may angking kagandahan bilang empleyado ng LTO.Katunayan nga po, iyong isa ay nasa cashier na paborito ni “Wewe.” Kaya umaasa po ako na inyo itong paiimbestigahan at nang malaman ni LTO NCR Director Guadiz ang kanyang pagka-gigolo at mga kahilingan.

Gumagalang
Mr. Bohemyo ng Navotas

oOo

NAKALULUNGKOT naman po ang sinapit ng isang miyembro ng SSS na humingi ng tulong sa Misyon Aksyon. Makaraang mabigyan ng referral mula sa tanggapan ng SSS MAD para mabigyan ng assistance upang makuha ang death benefit ng kanyang asawa, magdadalawang taon na ay hindi pa niya nakukuha ang benepisyo. Dahil nasa ibang bansa siya ng nagdaang taon ay ‘di niya nagawang mai-submit ang kanyang dokumento kasi kailangan siya mismo ang dapat na mag-file.

Kaya minabuti po ng Misyon Aksyon na ilapit sa MAD SSS para sa prosesong tama. Agad nabigyan ng referral letter at dinala sa Bacoor Branch at nakausap ang Manager ng SSS Bacoor, si Virgini Cruz, at sinamahan ito sa customer service. Kaya nang alamin ang record ng kanyang asawa ay sinabihan siya na hindi pa nila na-rerceive ang mga dokumento dahil hinulugan pa ito ng kanyang employer kahit patay na. Kaya sinabihan sila na bumalik na lamang para paimbestigahan muna nila kung bakit may hulog pa ito.

Makaraan ang ilang linggo muli po itong bumalik at hinanap ang bagong ini-refer na kakilala sa nasabing branch pero wala ito. Hindi na sila pinabalik at binigyan ng payo kung kailan sila babalik at maghihintay. Bumalik pa rin sila pero kalbaryo muli ang inabot dahil wala ang taong dapat kausapin, at komo mag-aalas dose na po, agad sinabihan sila ng security guard na umuwi na lang dahil may cut-off sila. Kaya lulugo-lugo siya nang aking binigyan muli ng referral, at humihingi uli ito ng tulong kung ano po ang gagawin niya.

oOo

Paging LTO Assec. Virginia Torres, LTO NCR Atty. Teofilo E. Guadiz III, Madam/Sir. May mga empleyado po ang LTO Navotas na wala sa plantilla na pinasasahod umano ng hepe ng Navotas. ‘Di po ba mayroon kayong Memo Order na bawal ang hindi kawani sa loob ng LTO na pumasok. Bakit  po ang Navotas LTO ay mayroon silang mga instant kawani?

Pakiimbestigahan naman po kasi mayroon po raw ‘di magandang nangyayari sa loob. Masyado daw pong gigilo ang hepe nakakasira po ang imahe sa inyong kagawaran at higit sa lahat may phobia po ito sa tsunami kaya maaari po ninyo itong ipalipat sa dahilan hindi siya komportbale sa nasabing lugar una na po bahain ito. At tabi po ng basurahan baka mag kasakit siya. Kay Navotas Mayor John Ray Tiangco, Sir nagrereklamo po ang hepe ng Navotas. Hindi raw safe ang kanilang tanggapan pag dating sa kalamidad at higit sa lahat ay napakabaho ng inyong temporary landfilled at nakasasama sa kalusugan ng mga nagsisipag parehistro na publiko.

Paging SSS Pres. & CEO Chairman Emilio de Quiros. Sir paki imbistigahan naman ang SSS Bacoor kasi kung mag serbisyo po sa mga miyembro ng SSS ay palpak at ang sistema po nila ay bulok biruin po ninyo imbes na gabayan at payuhan ng tama, sasabihin matagal daw bago ma-claim ang death benefit. Ang sa aking naman po sasabihin lamang kung kelan dapat sila bumalik at ilang araw ang ‘commitment at untagging”. Hindi po iyong bawat punta nila ay kung anu-ano ang kanilang hinaharap na problema samantalang trabaho po ninyo na paliwanagan ang mga miyembro ng SSS.

Sabagay hindi na po ako magtataka, nagbigay na nga po ng referral ang MAD Office para mabigyan kahit paano ng tamang alalay ay binaliwala ng SSS Bacoor, eh paano na po iyong mga  pobreng walang kaalaman pag dating sa pag-claim ng mga benespisyo at kay Bacoor SSS Manager Virginia Cruz. Kung hindi nyo po kaya di mag resign na po kayo sa inyong puwesto. Sayang po ang pinasusuweldo sa inyo ng mga miyembro ng SSS. Kay LTO Navotas OIC Fredirick R.Ubaldo, bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234 SMART-09193628223
EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makatutulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply