Lucena Mayor Talaga, pinatalsik sa pwesto

PINATALSIK na sa pwesto si incumbent Lucena Mayor Barbara Ruby Talaga matapos na paboran ng Korte Suprema ang naging desisyon ng Commission on Election (Comelec) En Banc na kumakansela sa resulta ng election at proklamasyon kay Talaga.

Batay sa desisyong isinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin, sinabi nitong hindi valid ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng dating mayor na si Ramon Tagala kaya’t hindi ito maaring palitan o i-substitute.

Si Ginang Talaga ang pumalit sa pagtakbo ng kanyang asawa si Ramon noong nakaraang local election nang idisqualify ng Comelec ang dahilan sa nakapag serbisyo nito  ng tatlong termino.

Ayon sa batas tatlong termino lamang maaring tumakbo ang mga lokal na opisyal mula sa mga councilors hanggang sa mga kongresista.

Papalitan si Talaga ni Vice Mayor Roderick Alcala habang ang anak naman ng mag-asawang talaga na si Ramil na number one na konsehal ang siyang mauupo bilang vice mayor ng bayan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply