Lugi na: 200 empleyado ng RPN 9 tatanggalin

AABOT sa 200 empleyado ng TV station na Radio Philippine Network (RPN) 9 ang binigyan na ng letter of retrenchment bunsod ng pagkalugi ng network at tuluyang pagdausdos ng equity share ng gobyerno at makuha ng private corporations ang mahigit sa 50% na equity nito.

Wala namang ideya si Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma, Jr. ng eksaktong pigura kung magkano na ang nalugi sa RPN 9 subalit ang alam niya ay hindi na nakakapalo sa profitable operations ang network simula ng magdesisyon ang dating administrasyon na na payagan ang equity conversion ng Solar Group ng hanggang 34 percent.

“And, from that time, Solar has been a block timer of RPN and, if you would see the programming now, there are only two hours more or less of news and public information that is not covered by the block time agreement. My impression is they have not been operating profitably since the time Solar was allowed to do the debt-to-equity conversion,” ang paliwanag ni Sec. Coloma.

Kaugnay nito, binigyan na ng letter o notice of retrenchment  ang RPN management  sa 200 empleyado ng network.

Batay aniya sa Labor Code, ang management ay mayroon lamang na 30-day para iimplementa ang nasabing notice.

“According to the present collective bargaining agreement between RPN management and employees, the notice period is 45 days so the notices have already been issued. We continue to monitor the developments in RPN to ensure that all the rights of the employees under the Labor Code are adequately protected,” ayon kay Sec. Coloma.

Sinabi ng kalihim ang government equity sa RPN ay 20.8 percent na lamang habang 66 percent o 2/3 ang equity ng private corporations.

Nakasaad aniya sa Governance Commission for Government Corporations (GCGC)  na ang Radio Philippines Network ay hindi na government corporation subalit patuloy na isu-supervise ng PCOO ang operasyon at pamamahala sa RPN.

Wala namang ideya si Sec. Coloma kung hanggang kailan ang bentahan ng share ng pamahalaan sa private groups.

Ang privatization council aniya ang nagde-determina ng timeline dahil ang government entity aniya ang responsable sa pag-implementa ng privatization process.

Ang nagawa pa lamang aniya nila ay ang ihanda ang groundwork upang ang sequestered organizations na sumasailalim sa kanilang supervision ay handa para sa implementasyon ng privatization process.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply