Lumad dapat isama sa Bangsamoro Region – Solon

ISAMA ang mga katutubong Lumad sa pinasok na kasunduan ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front na lilikha sa Bangsamoro Region sa Mindanao.

Ito ang naging panawagan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, chairman ng House Committee on National Cultural Communities, dahil ang Lumad ay meron ding karapatan sa lupang kinalakhan at minana sa kanilang mga ninuno.

Giit pa ni Baguilat na mahalagang maibilang ang mga katutubong Lumad sa Bangsamoro political entity dahil parte na ang mga ito ng paglago ng kasaysayan sa Mindanao.

Umaasa naman si Baguilat na bago mapirmahan sa Malacañang ang kasunduan ay dapat kasama na at nakonsulta na sa pagbuo ng polisiya dito ang mga Lumad ng Mindanao.

Ang Bangsamoro Region na siyang ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay kabibilangan ng mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, at Lanao del Sur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply