Lupi Mayor na binoga, pumanaw na

PUMANAW na ang alkalde ng Lupi, Camarines Sur na binaril kahapon sa Naga City.

Ayon sa panayam sa radyo sa kapatid nitong si Bobby Matamorosa, binawian ng buhay si Mayor Leo Raul Matamorosa bandang ala-1:30 kaninang madaling araw.

Kahapon pa lamang ay tinapat na umano sila ng mga doctor sa kalagayan ng kapatid at kung ipagpapatuloy pa ang paglalagay ng mga apparatus.

Napaulat na binaril ang mayor na tumama sa kanyang ulo at lumusot sa noo nito ang bala ng kalibre 45 baril na ginamit ng hindi nakilalang suspek.
Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril.

Malabo rin umanong may kinalaman sa pulitika ang pamamaril dahil huling termino na ito ng alkalde.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply