Luzon, apektado pa rin ng hanging amihan

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mananatili pa ring apektado ng hanging amihan ang Luzon.

Ayon pa sa PAGASA, makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may
mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang mga
rehiyon ng Ilocos at Cordillera, ang Cagayan Valley, Gitnang Luzon, Metro Manila, probinsya ng Quezon at ang Kabikulan.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap
na may dagliang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang
iiral sa Luzon at Silangang Kabisayaan at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply