Lyceum of the Philippines-Manila nabulabog sa bomb threat; klase sinuspinde

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga empleyado nito kahit na examination week ay sinuspinde ng Lyceum of the Philippines sa Intramuros, Maynila ang kanilang klase matapos makita ang isang note na nagsasabing may sasabog na bomba sa paaralan.

Ayon sa ulat sa radyo, isang estudyante ang nakakita sa “note” sa CR (comfort room) kung saan nakasaad na may sasambulat na bomba sa unibersidad sa loob ng tatlong oras.

Agad na rumesponde ang bomb squad ng Manila Police District para mag-imbestiga at hanapin ang bomba ngunit sa kanilang pagsisiyasat sa campus ay wala silang nakita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply