Maagang pamasko at SALN ng mga opisyal ng Cainta

Misyon-Aksyon,  bilib po ako kay 2nd District Congressman Winnie Castelo. Malayo pa ang Pasko, pinaramdam na agad sa 35 na kagawad at tatlong kapitan ang kanyang pa-bonus nang ipasyal ang mga ito sa bansang Macau at Hong Kong para sa 5 days tour sa dalawang bansa  noong October 18 hanggang October 22 mula sa kaban ng bayan.

Mantakin mo, iyong mga nagsisipagrehistro sa 2nd District ay may bonus din na pa McDo at Cheese burger.

Talagang ang puso ni Congressman ay talagang good Samaritan.  Sabagay  talagang matulungin si Cong. pagdating sa kawanggawa. Kahit batas ng may batas inaako niya. Sana  po mapaimbestigahan po ito kasi  pera ng bayan ang nilulustay niya.

Gumagalang,
Mr. Joel ng Q.C.

Misyon -Aksyon,  ang tatapang ng mga snatcher at holdaper sa may Luzon Culiat, Tandang Sora, Quezon City.

Kasi apat kada araw ang kanilang nabibiktima mula po nang mawala ang pulis sa ilalim ng flyover. Karamihan  po ang nabibiktima  ang mga sumasamba ng Huwebes at Linggo ng madaling araw at gabi lalo na po pag maulan at kung makipagpatintero sa mga tanod at pulis nang walang takot.

Wala man lamang aksyong ginagawa si Supt. Michael Macapagal ng QCPDC Station 3. Nagla-gay nga po ng mobile, iyong bulok pa, at iyong bagong mobile na ibinigay ni Mayor Bistek ay kaniyang  personal na gamit. Sana po makarating ito sa mga kinauukulan. Ang masaklap nito, sa mga Purok-3 at 4 naglulungga ang mga nasabing snatcher at holdaper.

Gumagalang,
Mr.  Go

Misyon-Aksyon,  pakibusisi naman po ang  OIC Administrator ng Cainta, Rizal kasi ayaw  mag-bundy clock ng mga  tauhan nito. Una na ang kanyang secretary na protektado niya. Nagrereklamo na po ang mga kumukuha ng LCR kasi bago mapirmahan ito, dalawang  araw ang hihintayin. Kaya di agad nakukuha ang LCR kasi walang pipirma at laging nasa labas. Iyong assistant naman po niya labis ang ari-arian.

Milyones ang halaga ng bahay nito at may bago pa siyang Tucson maliban sa isa pang sasakyan.  Kaya po kung iyong susumahin hindi tugma sa kinikita niya. Kahit pa ang suweldo niya sa loob ng sampung taon ay hindi makabibili ng bahay at magarang  kotse.

Mula ng mapuwesto ito bilang assistant ay lumobo na ang kaniyang kayamanan. Kailangan dumaan sa lifestyle check ang nasabing mag amo at masuri ang  Salary and  Asset  of Liabilities Networth (SALN) nila.

Gumagalang ,
Mr. Boy ng Cainta

Paging 2nd district Congressman Winnie Castelo, Mukhang galante po kayo sa inyong mga kagawad biruin mo may 5-days tour ang iyong piling mga kagawad at  kapitan na sa bansang Macau at Hong Kong. Ano po bang mga seminar ang inyong dinaluhan at napakaraming kagawad ang inyong isinama na milyones po ang ginastos nyo. Mula po ba sa kaban ng bayan ang perang ginastos o sa sariling  bulsa mo kinuha? Sabagay may  kasabihan tayo na daig daw ng maagap ang masipag. Kay Supt  Michael  Macapagal, Sir mukhang laging nakakatulog ka sa pansitan. Patuloy ang pamamayagpag  ng mga snatchers at holdapers, apat  kada araw  ang biktima  nila. Samantalang  mga  taga  purok  3 at purok  4 lang  nag sisipaglungga  ang mga ungas. Mayor Mon Ilagan, Sir pakiimbistigahan naman po ang iyong OIC administrator at Asst., baka po masira kayo. Kayo rin, nalalapit na po ang  eleksyon.  Kahit  di kayo ang tatakbo  madadamay si Mayora kaya dapat matino ang inyong inilalagay.

Kaya  bukas  po ang aking  kolum para sa inyong panig  at kapaliwagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223
EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply