Maayos na trapiko sa Undas, tiniyak ng MMDA

MULING tiniyak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magiging maayos at maganda ang daloy ng trapiko sa Undas.

Tutukan at mahigpit na babantayan ng MMDA ang ilang pangunahing kalsada at sementeryo.

Gayunman, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ipauubaya na
nila sa mga lokal na pamahalaan ang ilang maliliit na himlayan.

Kasabay nito, muling inabiso ni Tolentio na ipatutupad ng MMDA ang “no
day off, no absent policy” sa darating na Undas mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 5 upang matiyak na buo ang kanilang puwersa sa pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Sa pakikipagpulong sa mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, bumuo na ang mga ito ng kani-kanilang traffic scheme at re-routing. Kasama ring pinulong ng MMDA ang mga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan, Skyway Corporation, North Luzon Expressway, at mga administrador ng mga sementeryo para opisyal na ilunsad ang “Oplan Kaluluwa 2012”.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply