Mabagal na pagbibigay ng executive clemency pinuna ng obispo

PINUNA ng isang Catholic bishop ang umano’y pagiging mabagal ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pagbibigay ng executive clemency sa mga matatandang bilanggo na matagal nang nagdurusa sa piitan.

Kasabay ng pagdiriwang ng simbahan ng Prison Awareness Week, sinabi ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo na dapat na bigyan ng atensyon ng Pangulo ang mga ordinaryong bilanggo na matagal na panahon nang nakapiit.

Ayon kay Arigo, maraming inmate sa national penitentiary ang nasa 80-taong gulang na, habang ang iba pa ay naka-wheelchair na lamang.

Iginiit ni Arigo na sa ngalan aniya ng humanitarian reason ay dapat na mabigyan na ng clemency ang mga ito.

“Our observation with the current administration is that it’s too close-fisted in granting parole or executive clemency,” ani Arigo, na vice chairman ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Samantala, sinabi naman ni ECPPC executive secretary Rodolfo Diamante na may 96,000 inmates sa buong bansa at daan-daan sa mga ito ang inirekomenda na ng Board of Pardons and Parole (BPP) para sa amnestiya.

Nagpahayag naman ng pag-asa si Diamante na ang mga inmates na mahigit 70-taong gulang na ay mabibigyan na ng Pangulo ng pagkakataong makalaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply