Mabagal na pamamahagi ng Hacienda Luisita kinuwestiyon ni Corona

KINUWESTIYON ni dating Supreme Court chief Justice Renato Corona ang mabagal na pamamahagi ng lupain ng hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Sa kanyang pagsipot sa Department of Justice (DOJ) upang panumpaan ang counter affidavit sa kasong tax evasion, sinabi ng dating punong mahistrado na 6 na buwan na ang nakalilipas mula nang ilabas ng korte Suprema ang pinal na desisyon sa kaso ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipamimigay sa mga magsasaka.

Matatandaan na sa desisyon ng Korte Supreme noong April 2012 ay pinal nang sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na dapat maipamahagi sa halos 6,000 magsasakang benipisyaryo ang halos 5,000 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita.

Ang pamahalaan naman sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform ang naatasang mamahala sa gagawing distribusyon ng nasabing lupain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply