Macalintal sa media: Magparehistro para makaboto

MATAPOS payagan ng Commission on Elections (Comelec) sa absentee voting ang mga media ay hinimok naman ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na magparehistro na ang mga media practitioners upang makaboto sa 2013 midterm elections.

Si Macalintal ay nagsislbing legal counsel sa petisyon para sa absentee voting ng mga media.

Ayon kay Macalintal, magiging sayang lamang ang ibinigay na karapatan ng Comelec sa mga media kung hindi naman sila rehistradong botante.

Sakali naman, aniyang, kakaunti lang ang miyembro ng mamamahayag na boboto sa halalan sa 2013 ay magiging kahiya-hiya rin ito sa komisyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply