Mag-ama kalaboso sa pagnanakaw, tangkang panggagahasa

KALABOSO ang mag-amang umano’y magnanakaw matapos ireklamo ng pandarambong at tangkang pangre-rape sa isang pampublikong guro sa Barangay 20, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Ayon sa Caloocan police, pinasok ng mga naarestong suspek na sina  Enrilito Velasquez Sr. at Jolito, at mga anak pang Jao at isang alyas Adrian ang bahay ng 35-anyos na guro kung saan iginapos ito at binusalan.

Ayon pa sa biktima, tinangka pa umanong gahasain siya ng mga suspek na armado ng kutsilyo. Habang nilimas din ang gamit at pera ng guro na nagkakahalaga ng P30,000.

Agad na nasuplong ng biktima ang mga suspek kaya matagumpay na nasakote ang mag-ama habang pinaghahanap pa ang dalawa pang anak.

Itinanggi naman ng mga suspek na hinihinalang miyembro ng Gapos Gang ang ibinibintang ng biktima.

Nakatakdang kasuhan ang mag-ama ng robbery at serious illegal detention.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply