Mag-ama sinalvage sa Camarines Sur

SINALVAGE ang isang mag-ama bago inabandona sa kabundukan sa Camarines Sur kaninang umaga.

Bukod sa saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tama ng bala , nakapiring

ang mga mata at nakagapos pa ang mga kamay ng mag-amang sina Canoto Irandio,

66 at ang kanyang anak na si Andy, 36, kapwa ng Barangay Villa Socoro, sa bayan ng Libmanan.

Blangko pa ang PNP Libmanan kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa mag-ama pero may hinalang may kinalaman ito sa naunang salvage victim na natagpuan sa bayan ng San Fernando nitong nakaraang Linggo.

Ayon kay P/Supt. Edgardo Datoon, chief of police ng PNP Libmanan, natagpuan ng mga nagpapastol na magsasaka ang bangkay dakong alas 6 ng umaga sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cambalidio.

Aminado naman si Datoon na wala pa silang ideya kung sino ang nagkakasa ng summary execution sa kanilang lugar na ikatlo na sa loob lamang ng ilang araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply