Mag-amang gapos gang, ‘di pinayagang magpiyansa

NO BAIL ang inirekomenda ng piskalya ng Caloocan laban sa mag-amang hinihinalang miyembro ng gapos gang na nanloob at nagtangkang gahasain ang isang guro ng pampublikong paaralan Lunes ng madaling araw, October 22,  sa Barangay 20, Dagat-dagatan, Caloocan City .

Ang mga suspek na mag-amang sina  Enrilito Velasquez Sr., 53,  at anak nitong si Jolito, 25, ay pormal na sinampahan ng kasong robbery, serious illegal detention at attempted rape.

Nakalalaya pa ang isang anak nitong si Henry Velasquez 29 at isang alyas Adrian na pawang residente sa  nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:00 ng madaling araw ng pasukin ng mga suspek ang bahay ng biktima.

Nabatid sa 35 anyos na biktima na ayaw ng ipabangit ang pangalan na guro ng Kasarinlan Elementary School, itinali ang mga kamay nito ng mga suspek na aramado ng patalim habang nakatali ay tinangka pang gahasain ng batang Velasquez habang nililimas ng mga kasamahan ang gamit at pera na nagkakahalaga ng P30,000.

Nasakote ang dalawa matapos saklolohan ng mga kapitbahay ang biktima. Nakatakas naman ang dalawa pang anak nitong si Henry at Adrian.

Itinanggi naman ng mga suspek na miyembro sila ng Gapos Gang na ibinibintang ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply