Mag-asawang tulak nasilo ng PDEA

NASAKOTE ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mag-asawang tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Cotabato City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga suspek sina Faisal Guiapal, 30 anyos; at Bainor Guiapal, 26 anyos, alias Mommy/Pollin, kapwa residente sa Shariff Kabunsuan Boulevard, Mother Barangay Bagua, Cotabato City at kabilang umano sa provincial list ng drug personalities ng PDEA.

Batay sa ulat, nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng isang undercover agent ng PDEA Regional Office Autonomous Region of Muslim Mindanao (PDEA RO-ARMM) at ang mag-asawang suspek sa bahay ng mga huli.

Nang tatanggapin ng suspek ang P100 marked money kapalit ng shabu ay dito na sila inaresto.

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng karagdagang 23 plastic sachets ng shabu na may bigat na 2 gramo at mga drug paraphernalia na ginagamit sa pagrerepake at paggamit ng droga.

Nakapiit na ngayon ang mag-asawa sa PDEA RO-ARMM Jail Facility na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply