Mag-ina, 6 pa timbog sa drug den sa CDO

ARESTADO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-ina at nilang kostumer sa shabu den sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., matatagpuan ang drug den sa Bantilis, Barangay Bugo, Cagayan de Oro City na pag-aari ng inarestong mag-ina na sina Annabelle Pepito, 42; at Klerby Adrian Jay Pepito, 23.

Naabutan naman ng mga elemento ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) Misamis Oriental Provincial Special Enforcement Team na nagpa-pot session sa loob ng shabu den sina Julbert Ucat, 32; Bobby Dela Torre, 29; Charles Dacup, 34; Jorum Dadivalos, 39; Josephine Villaraza, 22; at Karen Cardova, 26.

Kinumpiska ng awtoridad ang mga shabu paraphernalia na kinabibilangan ng isang aluminum foil strip na may shabu, isang teabag ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakbalot sa papel. Ang mga kinumpiska ay gagamiting ebidensiya laban sa mga nahuli.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Article II, of Republic Act 9165 ang mag-inang Pepito habang ang anim na kostumer ay kakasuhan ng paglabag Section 7 (visiting the drug den), Section 13 (possession of dangerous drugs during gatherings), at Section 14 (possession of drug paraphernalia during gatherings).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply