Mag-inang Binene, iba pa kinasuhan na ni Atty. Topacio

KINASUAHN na ni Atty. Ferdie Topacio ang mag-inang Bea Binene at Carina at ilang opisyal ng GMA na sina Simon Ferrer, Lynn Delfin at Atty. Flordeliza Vargas.

Kahapon, Huwebes (Oktubre 25), isinampa ni Atty. Topacio ang P5.7 million damage suit sa Regional Trial Court ng Tanauan City, Batangas (P5,000,000.00 para sa moral damages, P500,000.00 para sa exemplary damages at P230,000.00 para sa legal fees at expenses).

Ang kaso ay nag-ugat matapos na hindi mag-public apology ang mag-ina na unang idinemand ng abogado kaugnay ng mga umano’y maling paratang na ibinabato ng mga defendant laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply