Mag-utol na kawatan, tiklo sa magkaibang kaso

KINASUHAN na ng pulisya kaninang umaga ang magkapatid na kapwa naaresto sa magkaibang krimen sa Quezon City.

Kapwa namangha nang magkita ang magkapatid na sina Marvin Esmael, 31 anyos, at Randy, 26 anyos, sa loob mismo ng Quezon City Police District (QCPD) station matapos silang maaresto sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw nitong nakaraang Linggo.

Sa ulat ng pulisya, unang nalaglag si Marvin,  residente ng Bagbag, Novaliches, matapos nitong looban ang isang bahay sa RC Compound, Barangay Talipapa dakong alas 2:35 a.m.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Reynato Marcelo, 42-anyos, nakita niyang ninakaw ni Marvin ang 2 cellphones at bago makatakbo ay nahataw niya ito ng kahoy sa katawan.

Nahuli si Marvin ng mga kapitbahay ni Marcelo at barangay officials matapos ang maikling habulan.

Samantala, makalipas naman ang isang oras at sampung minuto, natiklo rin ang kapatid ni Marvin na si Randy dakong alas 3:45 a.m. matapos holdapin ang isang pampasaherong jeep sa Quirino Highway, Barangay Talipapa.

Sinabi  naman ng isa sa mga biktima na si Jun Valiente, 31-anyos, na si Randy ay armado ng kutsilyo at tinangay nito ang kanyang cellphone.

Pero sa mabilis na pag-aksyon ng mga barangay officials, nahabol at nasakote ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply